RCT at crown sa Quezon City

Shyn : Hello po doc., nagpunta po ako sa dentist ko ngaun dahil dun sa sira ng harap na ngipen ko. Sabi po nya pwede ko po iparct tapos lalagyan ata ng jacket o ipabunot tapos lalagyan ng dental bridge. Anu po kaya mas better. Tnx po


Ask the Dentist : Mas ok ang RCT tapos jacket. Halos same lang ang babayaran mo.

RCT tapos jacket : http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/
Bridge : http://www.denturesaffordable.com/fixed-bridge/


Shyn : Tamah po ba. Kung anu daw kulay ng ngipen ko before rct ganun din itsura daw after. Ndi po ba un matatakap nung jacket?
Tapos sabi din daw po nya . Pagnagtagal daw ung rct. Magiging brittle ung ngipen dahi wala ng blood supply tapos eventually papatangal ko din daw po in the future.


Ask the Dentist : Kung malaki na ang sira before rct, dapat lagyan ng crown. Kung maliit lang, kaya pa sa pasta. Ideally, ijajacket yan after RCT. Kung magaling ang nagRCT at nagjacket tapos naalagaan mo ang kalinisan ng mga ngipin mo, magtatagal ng habambuhay. Kung tanga ang dentist na gumawa, at pabaya ka, ipapatanggal mo nga yan. Tulad ng iba mo pang ngipin, kapag hindi mo naalagaan, ipapatanggal mo yan. Kaya nakakakita ka ng mga bunging tao, napabayaan nila yung mga ngipin nila. ANg dapat mong tandaan, hindi porke na-RCT na yan, magiging super tooth na yan. Kapag pabaya ka sa simpleng brushing at flossing, matatanggal kahit anong ngipin.


Ask the Dentist : Magpalit ka ng dentist. Katangahan ang mga pinagsasabi niya.


Shyn : Ok po.salamat. last na lng po. 4 yrs ago pa po sinabi sakin nung unang dentist ko na pa rct pero ndi ko po nagawa kc walang pera. Kaya ngaun pa lng po, masasalba pa po kaya ng rct. Tnx po


Ask the Dentist : Send ka ng x ray para malaman ko kung masasalba pa. Hindi ko masense kung ano ang itsura base lang sa tanong mo.


Shyn : Ok po. Magpapa na lng po muna ako


Ask the Dentist : Maghahanap ka ng papa?  O magtatay?


Shyn : Hahaha . Pa xray po. Sori po


Shyn : Ito po

Ask the Dentist : Oks. Masisave pa yan. Hanap ka ng magaling na dentist.


Shyn : Bka me ma suggest po kau dto sa quezon city


Ask the Dentist : http://dentistquezoncity.com/


Shyn : Magaling nga po galing pang state. Tnx po sa help

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento