Ilang Days na Sumasakit ang Ngipin

Sheryl : Hi doc. Pa help po. Last week po kc kinabit ung fixed teeth bridge ko. Kaso po before ikabit ung dulong ngipin sa left part (bagang) eh i anaesthesia po ulit at kinikil kc d fit tapos mayang konti kinabit na ung permanent. Ngayon po ilang days na sumasakit ung ngipin na un. Nung mga unang days po madalas sumakit ngaun po medyo madalang pero masakit pa din. Lalo na po ngaun na malamig ang panahon. Sensodyne po gamit kong toothpaste tapos i take ponstan or dolfenal 500 to ease the pain.


Sheryl  : Bka daw po na stress lng daw po ung ngipin ko kaya ganun kc ung sa right side naman po na 4 units d nman po sumakit matagal. Ung sa left side lng po tlga na 3 units lalo na po ung bagang na kinapitan. Anu po kaya dapat kong gawin doc? Kpag nman po kumakain d nman masakit. Minsan po kapag inum ako mainit masakit cya or sa malamig na tubig medyo mangilo po.



Ask the Dentist : Patingin ng x ray.


Ask the Dentist : Kapag umabot na sa pulp, usually, sasakit na. Kaya ang ginagawa ay RCT. http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

Sheryl : hi doc. wala po cyang ginawang xray. ang sabi lng po sa akin eh kpag sumakit tatanggalin daw po nya ulit ung kinabit na bridge. ganun po ba un doc? panu po i root canal ung nka fixed bridge na saka magkanu po un kung sa bagang? thanks po.


Ask the Dentist : Oo, kapag sumakit, tatanggalin niya ang bridge tapos RCT. Bagang ay 10K pataas ang RCT.


Sheryl : doc kapag po ba tinanggal ang bridge eh madadamage na po ba yun? hindi na po magagamit ulit o kailangan na po palitan ng bago? thanks


Ask the Dentist : Papalitan ng bago. Madadamage yun.



Sheryl : Thanks doc. Ask ko lng din po panu kung ung pain nya ay nababawasan. I mean kung dati po the whole day masakit ngayon po after almost 1 week once n lng tapos nawawala din po. Anu po kaya dapat kong gawin? Thanks


Ask the Dentist : Magdasal.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento