May Tutubo pa bang Ngipin

DS Lyrhad : Hi sir , may tutubo pa po ba na ngipin sa front katabi ng pangil ko po ? kahit 17 yrs old na po ako ?



Ask the Dentist : Kapag tumubo na noon at nabunot na, wala nang tutubo pa. Para makasiguro, ipaxray mo kung nandiyan pa.


DS Lyrhad : May naiwan pa po sir pero kaya po siya natanggal kasi po may crack at konting bulok na side , so sir may tutubo pa po ba nun ?


Ask the Dentist : Malamang na walang nang tutubo.

Sumasakit ang Ngipin pati Ulo

Sesilh : Hi doc. Nagpa fixed bridge po ako. Sumasakit po yung ngipin ko na na-recountour pati ulo ko po. Sabi po ni dra nangingilo lang daw po, so i expect na nung malagay na po yung fixed bridge mawawala na po yung pain dahil wala na po naka expose na possible mangilo, 2 days na po nakabit yung fixed bridge pero ganun padin po yung pain connected padin sa ulo ko. Ano po kaya possible cause doc? Salamat po.


Ask the Dentist : For RCT na yang ngipin mo. Kung masakit na, dapat inaRCT muna bago ibridge. For more infop read:

http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/
http://www.denturesaffordable.com/final-restoration-for-endodontically-treated-tooth/



Sesilh : Ok. Salamat po doc.

Paano kung naputol ang pinagkakabitan ng Bridge

Katrina : gud pm doc pano po kaya kung yung pinagkakabitan ng fix bridge naputol isa na lang natitirang pagkakabitan?


Ask the Dentist : RCT tapos post tapos pwede na kabitan ng bridge ulit: http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/


Katrina : ok po ty!

Pwede bang Bunutin ang Sungki

Elmo : Hello Doc Pwede pa bang bunutin yung sungki sa harap ? Ang sabi daw kasi delikado, dahil malapit daw sa sinus. Baka daw ma-impeksyon. Kaya dapat daw muna akong magpa X-ray para masigurado. Pwede pa ba bunutin yun ngayun kahit nasa 19 year old na ako ?


Ask the Dentist : Pwede.


Elmo : Magkano po ba pabunot sa clinic nyo Doc ?


Ask the Dentist : Kung dahil sungki lang, magpabraces ka na lang.

Crowning

Makoy : Hi po. How long does it take yung operation ng crowning? Pwede po ba yun walk-in? Thanks.


Ask the Dentist : 2 weeks.


Makoy : How many sessions?


Ask the Dentist : Tanungin mo na lang ang dentist na pupuntahan mo.

Baling Ngipin

Arwin : Hi Doc! Ask ko lang po kung anong pedeng remedies sa ganitong case. Thank you po in advance!


Ask the Dentist : RCT at jacket crown. http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

Dumudugo ang Pinagbunutan

Jennifer : hi good pm po, ask ko lng po. ok lng po ba mag take ng hemostan or ice cream kc nung dec 10 po nag pabunot ako ng 4 sa front teeth . until now nag bbleed padin po kc. sna po mag reply kayo agad .


Ask the Dentist :  Wag ka mumog ng mumog. Wag mong sundutin yang sugat ng dila mo. Kagat ka ng bulak. Kung ayaw tumigil, kagat ka ng tsaa. Kung ayaw pa din, bisita ka sa clinic: http://dentistquezoncity.com/

Ilang Days na Sumasakit ang Ngipin

Sheryl : Hi doc. Pa help po. Last week po kc kinabit ung fixed teeth bridge ko. Kaso po before ikabit ung dulong ngipin sa left part (bagang) eh i anaesthesia po ulit at kinikil kc d fit tapos mayang konti kinabit na ung permanent. Ngayon po ilang days na sumasakit ung ngipin na un. Nung mga unang days po madalas sumakit ngaun po medyo madalang pero masakit pa din. Lalo na po ngaun na malamig ang panahon. Sensodyne po gamit kong toothpaste tapos i take ponstan or dolfenal 500 to ease the pain.


Sheryl  : Bka daw po na stress lng daw po ung ngipin ko kaya ganun kc ung sa right side naman po na 4 units d nman po sumakit matagal. Ung sa left side lng po tlga na 3 units lalo na po ung bagang na kinapitan. Anu po kaya dapat kong gawin doc? Kpag nman po kumakain d nman masakit. Minsan po kapag inum ako mainit masakit cya or sa malamig na tubig medyo mangilo po.



Ask the Dentist : Patingin ng x ray.


Ask the Dentist : Kapag umabot na sa pulp, usually, sasakit na. Kaya ang ginagawa ay RCT. http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

Sheryl : hi doc. wala po cyang ginawang xray. ang sabi lng po sa akin eh kpag sumakit tatanggalin daw po nya ulit ung kinabit na bridge. ganun po ba un doc? panu po i root canal ung nka fixed bridge na saka magkanu po un kung sa bagang? thanks po.


Ask the Dentist : Oo, kapag sumakit, tatanggalin niya ang bridge tapos RCT. Bagang ay 10K pataas ang RCT.


Sheryl : doc kapag po ba tinanggal ang bridge eh madadamage na po ba yun? hindi na po magagamit ulit o kailangan na po palitan ng bago? thanks


Ask the Dentist : Papalitan ng bago. Madadamage yun.



Sheryl : Thanks doc. Ask ko lng din po panu kung ung pain nya ay nababawasan. I mean kung dati po the whole day masakit ngayon po after almost 1 week once n lng tapos nawawala din po. Anu po kaya dapat kong gawin? Thanks


Ask the Dentist : Magdasal.

RCT at crown sa Quezon City

Shyn : Hello po doc., nagpunta po ako sa dentist ko ngaun dahil dun sa sira ng harap na ngipen ko. Sabi po nya pwede ko po iparct tapos lalagyan ata ng jacket o ipabunot tapos lalagyan ng dental bridge. Anu po kaya mas better. Tnx po


Ask the Dentist : Mas ok ang RCT tapos jacket. Halos same lang ang babayaran mo.

RCT tapos jacket : http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/
Bridge : http://www.denturesaffordable.com/fixed-bridge/


Shyn : Tamah po ba. Kung anu daw kulay ng ngipen ko before rct ganun din itsura daw after. Ndi po ba un matatakap nung jacket?
Tapos sabi din daw po nya . Pagnagtagal daw ung rct. Magiging brittle ung ngipen dahi wala ng blood supply tapos eventually papatangal ko din daw po in the future.


Ask the Dentist : Kung malaki na ang sira before rct, dapat lagyan ng crown. Kung maliit lang, kaya pa sa pasta. Ideally, ijajacket yan after RCT. Kung magaling ang nagRCT at nagjacket tapos naalagaan mo ang kalinisan ng mga ngipin mo, magtatagal ng habambuhay. Kung tanga ang dentist na gumawa, at pabaya ka, ipapatanggal mo nga yan. Tulad ng iba mo pang ngipin, kapag hindi mo naalagaan, ipapatanggal mo yan. Kaya nakakakita ka ng mga bunging tao, napabayaan nila yung mga ngipin nila. ANg dapat mong tandaan, hindi porke na-RCT na yan, magiging super tooth na yan. Kapag pabaya ka sa simpleng brushing at flossing, matatanggal kahit anong ngipin.


Ask the Dentist : Magpalit ka ng dentist. Katangahan ang mga pinagsasabi niya.


Shyn : Ok po.salamat. last na lng po. 4 yrs ago pa po sinabi sakin nung unang dentist ko na pa rct pero ndi ko po nagawa kc walang pera. Kaya ngaun pa lng po, masasalba pa po kaya ng rct. Tnx po


Ask the Dentist : Send ka ng x ray para malaman ko kung masasalba pa. Hindi ko masense kung ano ang itsura base lang sa tanong mo.


Shyn : Ok po. Magpapa na lng po muna ako


Ask the Dentist : Maghahanap ka ng papa?  O magtatay?


Shyn : Hahaha . Pa xray po. Sori po


Shyn : Ito po

Ask the Dentist : Oks. Masisave pa yan. Hanap ka ng magaling na dentist.


Shyn : Bka me ma suggest po kau dto sa quezon city


Ask the Dentist : http://dentistquezoncity.com/


Shyn : Magaling nga po galing pang state. Tnx po sa help

Ano ang Bawal sa Napastahan

Rm : Doc?, May Itatanong Lang Po Ako.
Yung Tito't Tita Ko po Kase, Sobrang Nag Alala Sakin Kasi Nag Pabunot Po Ako Nang Tatlo'ng Ngipin.
Nakakasama daw saakin ang mapagod. Totoo Po Ba?


Ask the Dentist : Yep. Unless may lahi kang spartan.


Rm : Aahh. Thank You Po
E Pag Bagong Pasta Po. Ano Lang Po Ang Pwede'ng Kainin?


Ask the Dentist : Lahat.

Rm : Kahit Malamig?


Rm : Walang Bawal?


Ask the Dentist : Ang bawal ay ang mabunutan ka ulit. Ang tatlong ngipin na mabungi sa isang babae ay kagaguhan. Unless pangit ang babae.

Magkano ang Retiner

Masola : Hello po doc tanung lang po ako kc un ipin ko sa ibaba d cla pantay at la na ko bagang ngaun po balak ko ipaayos pero sa left side meron pa ntira na bagang po anu po ba dapat gawin sa ipin ko????
At magkanu po ba ung magastos???
Salamat po!!


Ask the Dentist : Braces. http://www.costbraces.org/cost-of-braces/


Masola : Magkanu nmn po un mag paretiner


Ask the Dentist : Walang inaayos ang ritinir.


Masola : Un pustiso ritinir po


Ask the Dentist : Un pustisu ay pustisu. Ang ritinir ay ritinir. Kung ang pustisu ay ritinir ang tawag ay ritinir at hindi pustisu.


Masola : Ah ok po


Masola : Magkanu po mag pustiso?


Ask the Dentist : Malalaman mo lang kung magkano ang pustiso oras na makita ng dentist ang bibig mo. Madaming klase, at bawat klase may indication