RCT at Braces

Charie : Good evening po Doc.
Nagpa-panoramic x-ray na po ako. Eto po yung result. Explain ko lang po yung history ng ipin ko (base sa mga naaalala ko pa). Nung bata po kasi ako, medyo malalaki po kasi yung ipin ko, nagpatong patong sila...matindi ang sungki ko nun.

Dinala po ako ng magulang ko sa dentist malapit samin...dahil hindi namin afford ang braces, ang ginawa po ng dentist, may binunot sya na ipin ko na permanent na yata.di ko po sure kung lateral incisor yun o canine cuspid..nakabara po kasi sya dun sa right na central incisor ko. Ngayon, dahil dun sa binunot na yun yung mga ipin ko nag move sila papunta sa left kaya wala po sa gitna ang ipin ko.

Tapos po, meron na po ako 2 molars sa taas na binunot na...kasi hindi na daw po yun kaya ma-save dahil sa cavities at nagkabasag basag na yung ipin.

Meron po ako nilagyan ng bilog na kulay yellow dun sa picture...nakikita ko po sya sa gums ko pero hindi ko po alam kung ipin yun...sabi naman po ng dentist ko ngayon, kumpleto na daw po ipin ko, sinabihan nya rin po ako na magpa-xray para makita kung ano ba yun. Para kasi syang pangil eh...naka-usli lang sya sa gums, pag diniinan yung gums kung nasaan sya makikita na kulay white pero hindi sya lumalabas. Matagal na po yan at hindi ko rin alam ang gagawin dyan. Minsan din  po nag dedevelop ng parang kamatis dun sa kung nasaan yun tapos magkakaron ng pus. Tapos mawawala din.

Yung sinasabi ko naman po na hindi ko alam kung patay na o hindi...yun po yung katabi ng right central incisor ko. Yun po yung may yellowish na discoloration compared sa ibang ipin ko.  Tapos po yung molar ko po na nagkakaroon ng pus sa gilid yun po yung pinaka-dulo na moral sa lower left side.

Doc, sana matulungan nyo po ako. Kasi may healthcard ako, yung mga dentist kasi na accredited sa healthcard ko sa area namin hindi sila ganoon ka-accommodating.  Gusto nila kasi weekday ako magpunta eh hindi kasi ako available ng weekend dahil wala ako mapag-iiwanan ng baby ko.  Yung dentist ko po kasi ngayon, hindi sya accredited ng healthcard. So gusto ko lang din sana mapaghandaan kung ano ang mga procedure na kailangan gawin sa ipin ko (budget and time wise).

Isa pa pala doc, pahabol...minsan kasi nagigising ako feeling ko lahat ng ipin ko masakit o umuuga. Pwede ba na effect yun ng pag bbreastfeed ko? Kasi 2 y.o. na yung anak ko hanggang ngayon nag bbreastfeed parin sya sakin.

Pasensya na doc ha ang dami kong tanong. Sana po matulungan nyo po ako. Ang dami problema ng ipin ko. Hindi kasi naalagaan.  Nakakalungkot.

Salamat sa time sa pag basa ng case ko. Kung meron din po sana kayo marerefer na dentist sa Mandaluyong or Makati area. Maraming maraming salamat Doc.



Ask the Dentist : Isa lang ang tanong mo. Walang connection ang breast feeding sa paguga ng ngipin mo.


Charie : Ay, akala ko sa FB page hindi na applicable ang question mark. Sorry po. Yung tanong ko po eto..
1) Patay na po ba yung ipin na katabi ng right central incisor? Patay na po ba yung molar ko sa lower left side?
2) Ipin po ba yung nilagyan ko ng bilog na yellow?

Thanks!


Ask the Dentist : Madaming tulad mo, haba ng kuwento, nalimutan naman magtanong.    


Charie : Sorry!


Ask the Dentist : 1. IpaRCT mo yan. IpaRCT mo din yung molar.
2. Oo. Pwede pa yun palabasin sa braces. YUn nga lang, magagaling lang na dentist ang kaya palabasin yan.


Charie : Doc inooperahan po ba yun? Hinihiwa yung gums para palabasin?


Ask the Dentist : Oo, maghihiwa. Lalagyan ng bracket.


Charie : Maraming salamat po Doc.  Pasensya na gabi na ako nakapag tanong.


Charie : Natutuwa po ako basahin yung website nyo. Hehehe. Sana po marami pa kayo matulungan kahit sa consultation lang.  God bless.


Charie : Doc sorry last question...kung sakali kasi na hindi ko afford ang braces. Ok lang po ba na pabayaan ko nalang dun yung ipin sa loob ng gums? Di po ba masama yun?


Ask the Dentist : Pwede. Basta wag sumakit o magkaroon ng infection, okie lang yan.


Charie : Thanks po!

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento