Jacket Crown Cost

Aeynah : Doc how much po magpajacket ng ipin? Natanggal po ung dating jacket mg ipin ko tas nawala ung jacket.. I need po to replace it po..


Ask the Dentist : Depende sa klase ng jacket. http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/
porcelain fused to metal jacket crown = 5K pataas.
all porcelain : 20K pataas.
porcelain fused to gold alloy : 30 K pataas.

Kung mas mababa ang presyo diyan, usually, hindi mukhang ngipin kasi mababa ang quality.

Braces ba Agad

Princess : hello po. nagpaplano pa po ako magpa.braces. kasi yung dalawang upper teeth ko magkahiwalay simula po pagkabata ngayon e 19 na ko. tapos sa baba naman may dalawa din na magkahiwalay. braces po ba agad ang solusyon don?


Ask the Dentist : Oo braces agad. Sa dentist.

RCT at Braces

Charie : Good evening po Doc.
Nagpa-panoramic x-ray na po ako. Eto po yung result. Explain ko lang po yung history ng ipin ko (base sa mga naaalala ko pa). Nung bata po kasi ako, medyo malalaki po kasi yung ipin ko, nagpatong patong sila...matindi ang sungki ko nun.

Dinala po ako ng magulang ko sa dentist malapit samin...dahil hindi namin afford ang braces, ang ginawa po ng dentist, may binunot sya na ipin ko na permanent na yata.di ko po sure kung lateral incisor yun o canine cuspid..nakabara po kasi sya dun sa right na central incisor ko. Ngayon, dahil dun sa binunot na yun yung mga ipin ko nag move sila papunta sa left kaya wala po sa gitna ang ipin ko.

Tapos po, meron na po ako 2 molars sa taas na binunot na...kasi hindi na daw po yun kaya ma-save dahil sa cavities at nagkabasag basag na yung ipin.

Meron po ako nilagyan ng bilog na kulay yellow dun sa picture...nakikita ko po sya sa gums ko pero hindi ko po alam kung ipin yun...sabi naman po ng dentist ko ngayon, kumpleto na daw po ipin ko, sinabihan nya rin po ako na magpa-xray para makita kung ano ba yun. Para kasi syang pangil eh...naka-usli lang sya sa gums, pag diniinan yung gums kung nasaan sya makikita na kulay white pero hindi sya lumalabas. Matagal na po yan at hindi ko rin alam ang gagawin dyan. Minsan din  po nag dedevelop ng parang kamatis dun sa kung nasaan yun tapos magkakaron ng pus. Tapos mawawala din.

Yung sinasabi ko naman po na hindi ko alam kung patay na o hindi...yun po yung katabi ng right central incisor ko. Yun po yung may yellowish na discoloration compared sa ibang ipin ko.  Tapos po yung molar ko po na nagkakaroon ng pus sa gilid yun po yung pinaka-dulo na moral sa lower left side.

Doc, sana matulungan nyo po ako. Kasi may healthcard ako, yung mga dentist kasi na accredited sa healthcard ko sa area namin hindi sila ganoon ka-accommodating.  Gusto nila kasi weekday ako magpunta eh hindi kasi ako available ng weekend dahil wala ako mapag-iiwanan ng baby ko.  Yung dentist ko po kasi ngayon, hindi sya accredited ng healthcard. So gusto ko lang din sana mapaghandaan kung ano ang mga procedure na kailangan gawin sa ipin ko (budget and time wise).

Isa pa pala doc, pahabol...minsan kasi nagigising ako feeling ko lahat ng ipin ko masakit o umuuga. Pwede ba na effect yun ng pag bbreastfeed ko? Kasi 2 y.o. na yung anak ko hanggang ngayon nag bbreastfeed parin sya sakin.

Pasensya na doc ha ang dami kong tanong. Sana po matulungan nyo po ako. Ang dami problema ng ipin ko. Hindi kasi naalagaan.  Nakakalungkot.

Salamat sa time sa pag basa ng case ko. Kung meron din po sana kayo marerefer na dentist sa Mandaluyong or Makati area. Maraming maraming salamat Doc.



Ask the Dentist : Isa lang ang tanong mo. Walang connection ang breast feeding sa paguga ng ngipin mo.


Charie : Ay, akala ko sa FB page hindi na applicable ang question mark. Sorry po. Yung tanong ko po eto..
1) Patay na po ba yung ipin na katabi ng right central incisor? Patay na po ba yung molar ko sa lower left side?
2) Ipin po ba yung nilagyan ko ng bilog na yellow?

Thanks!


Ask the Dentist : Madaming tulad mo, haba ng kuwento, nalimutan naman magtanong.    


Charie : Sorry!


Ask the Dentist : 1. IpaRCT mo yan. IpaRCT mo din yung molar.
2. Oo. Pwede pa yun palabasin sa braces. YUn nga lang, magagaling lang na dentist ang kaya palabasin yan.


Charie : Doc inooperahan po ba yun? Hinihiwa yung gums para palabasin?


Ask the Dentist : Oo, maghihiwa. Lalagyan ng bracket.


Charie : Maraming salamat po Doc.  Pasensya na gabi na ako nakapag tanong.


Charie : Natutuwa po ako basahin yung website nyo. Hehehe. Sana po marami pa kayo matulungan kahit sa consultation lang.  God bless.


Charie : Doc sorry last question...kung sakali kasi na hindi ko afford ang braces. Ok lang po ba na pabayaan ko nalang dun yung ipin sa loob ng gums? Di po ba masama yun?


Ask the Dentist : Pwede. Basta wag sumakit o magkaroon ng infection, okie lang yan.


Charie : Thanks po!

Magkano ang Removable na Pustiso

Meril : doc, magkano po ba ung removable na pustiso? 3 ngipin po sa taas , idea lang po sana . thanks


Ask the Dentist : Madaming klase ng pustiso. Magkakatabi ba? Usually sa pustiso, ang pinakaminam ay ang may metal framework na klase. http://costdentures.com/removable/one-piece-casting-removable-partial-denture/


Meril : ung dlawa po sa unahan na ngipin at ung pang 4 na ngipin sa harap kanan po


Meril : ang buget q po kc 1500 sa tatlong ngipin


Ask the Dentist : Mahihirapan ka makahanap. Pero try mo. Sa dental school, try mo din.


Meril : pero magkano po yung tnutukoy nyo na metal framework doc ?


Ask the Dentist : 7 k pataas.

Jacket sa Ngipin

Cristifel : Hi doc good evening po. Ask ko lang po kung anung magandang gawin sa ngipin ko po sa baba may pasta po yan 2 yrs ago. Pero hindi na din ok yung pasta iniisip ko po ipa jacket kaso magkano po kaya sya? Salamat po.



Ask the Dentist : Ipapasta mo lang ulit.


Cristifel : Sni po kasi ng dentist  baka maging manipis na yung teeth kasi po yung isa dyan kabilaan ang sira


Ask the Dentist : Kung mas malaki ang pasta kaysa sa mismng ngipin, jacket crown na: http://www.denturesguide.com/lava-all-zirconia/
http://costdentures.com/ask-the-dentist/why-is-crown-needed/

Umuugang Ngipin na na-RCT

Aiah : doc pede magtanong?


Aiah : ung pina root canal ko po na ngipin umuuga po sya kai habang nag totoothbrush ako biglang natamaan.. mejo masakit po pag nagagalaw, ano po bang remedy sa ganito?


Ask the Dentist : Hanap ka ng periodontist. Baka sakaling masave pa.


Ask the Dentist : Malamang na gum disease yan. http://www.denturesaffordable.com/gum-disease/


Aiah : Umuuga n po ung ngipin ko.. anu po periodontist?


Aiah : Kpag pina fixedbridge ko po b to mga gano po katagal


Ask the Dentist : Okie hanap ka ng periodontist. Peridontist ang specialist sa ganyang kaso.


Ask the Dentist : Kapag nakahanap ka ng magaling na dentist, ang bridge ay tatagal ng 5 years and above.


Aiah : May mairerefer po ba kaung periodontist?


Aiah : Mga ilang araw po ba bago mgawa ung bridge?


Ask the Dentist : Ang bridge ay para sa bungi. Since may ngipin ka pa, hindi yan ibbridge.


Aiah : Bka po kasi tanggalin na ung ngipin na naroot canal.. umuuga na po kasi


Aiah : Kaya po natanong ko ung sa bridge


Ask the Dentist : Oks.


Aiah : Ganu po ba katagal gawin ung bridge?


Ask the Dentist : 5 days to 2 weeks.

RCT Cost

Ronald : Dok, magkano po ba magpa RCT ung ngipin sa harap.
 reply back pls.


Ronald : Ibig ko pong sabihin sa "Ngipin sa harap" ay Premolar. Magkano po ba magpa RCT bawat canal?


Ask the Dentist : 10K  pataas.


Ronald : Nge, kala ko po 3k up lang po kada canal?


Ask the Dentist : 2-3 canals yang premolar.


Ronald : ah. so 3k up lang po kada canal?


Ask the Dentist : 3-5K


Ronald : Ah. masakit po b?


Ronald : May nagsasabi po sken na talaga daw pong msakit un.


Ask the Dentist : Kung naghanap ka ng cheapest, masakit talaga.


Ronald : ah. maganda na po ang kinalalabasan ng RCT sa ngipin matapos gawin ito kahit walang crown?


Ask the Dentist : Dapat may crown lagi dahil kung hindi natakpan ang inarCT, sasakit yan ulit dahil magkakaroon ulit ng infection.


Ask the Dentist : Parang naglinis ka ng garapon, kung hindi mo tinakpan mabuti matapos mo linisin, madudumihan yan ulit.

Ilang Taon ang Tinatagal ng Jacket Crown

Frelljoy : Doc jacket po ba porcelin ilang years po tumatagal?


Ask the Dentist : Kung hindi ka naghanap ng cheapest, minimum of 5 years. Madaming klase ng porcelain: http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/


Frelljoy : Last question po doc, sa pustiso po ano maganda us plastic or porcelin? Thank you doc


Ask the Dentist : Depende sa standard ng kagandahan. Maganda sa buto, maganda sa quality o maganda tignan. Madalang ka makakita ng made in US na plastic sa Pinas, marketing lang ang katawagang US plastic. Overall, ang kagandahan ay binabayaran, kaya mas mahal, mas maganda.