Gusto niya ng Pustiso para Makamura

Mary : Good afternoon po doc.

May cavity po kasi sa maxillary central incisors ko po. Matagal na po yung cavity Grade 3 palang po ako. Pinastahan po siya nung 2 nd year hs po ako kaso ung isang tooth lang po kasi malalim na daw po yung kabila. (Incoming freshman)Then last last week po namaga yung tooth ko po na pinanastahan. Nung pumunta po ako sa dentist nagtaka po siya kasi di po masakit yung malalim na yung cavity tas sabi mag pa rct daw po ako. Kaso di po namin kaya.

Ok lang po ba ipaextract nalang ito at lagyan ng dentures? Anong klaseng dentures po ba yung maganda at di masyadong hassle? Saka ok lang po ba kung orthodontist yung gagawa?

May balak din po kasi ako mag pa metal braces kasi may mga gaps po yung teeth ko sa lower jaw. Pwede pa po ba yun kahit may dentures na po ako?

Sorry po mahaba at maraming po akong tanong and thank you din po


Ask the Dentist : Kung kaya mo magpabraces, mas kaya mo magpaRCT. MagpaRCT at crown ka na lang. http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/ . Kapag nabungi ka, iba na ang ngiti mo, pigil. AT tiyak na papangit ka.

Mahihirapan ang dentist mong ibraces ka. Pero possible. Hindi ka magdedenture habang may braces.


Mary : good evening doc

yung tungkol po sa pag papabrace. pag nakapag trabaho na po ako saka po ako mag papabrace.

kanina po pumunta po kami sa dentist sa may pedro gil. desidido na po talaga si mama na ipabunot at i denture pero di po pumayag yung dentist. di daw po niya kaya na maging dahilan ng pag pangit ko po. pinastahan nalang po niya yung isang tooth kasi buhay pa daw iyon at yung isa nman ay kailangan daw i RCT.

papangit po ba ako pag nag karoon ng partial dentures ? pinupush pa rin po kasi ni mama ee.

mura na po ba pag ang siningil samin ay 1000 ? nag pa pasta po ako 2 at 2 ding bunot.

thanks po sa pag sagot ng mga tanong ko


Ask the Dentist : Good. Ganun din magiging reaction ko sa kaso mo. IpaRCT mo na lang. Tapos crown. http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/ . Papangit ka sa pustiso.


Mary : Thank you po doc sa pag sagot ng mga tanong ko at sa mga suggestion po.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento