Murang Pustiso sa Manila

Em-em : iyan po ang ipin ko. upud na upud na po yung sa taas sa loob po. surgery na po ba gagawin dun kung sakali? gustong gusto ko na ipaalis lahat ng ipin ko sa taas kaso natatakot ako sa gagawing proseso. tyaka sa presyo.
sana po mapareplyan nyo ako. ill be waiting po.thank you.
Murang Pustiso sa Manila
Murang Pustiso sa Manila



Em-em : sa ngayun po ilang araw na  namamaga yung gums sa right side po. kaya po lalo ako natatakot kasi ilang araw na din po namamaga at ilang araw nadin ako umiinom amoxcilin at mefenamic pero maga pa din po.


Ask the Dentist : Punta ka na sa dentist. Madaming dapat bunutin at dapat gawin diyan. Pustiso na yan after or pwede ka din magpaimplant:
http://costofdentalimplant.com/dental-implants-cost/
http://costdentures.com/removable/equipoise-removable-partial-denture/


Em-em : hindi naman po kaya kailangan operahan? pangkaraniwang pagbunot lang po ba gagawin kaya?


Ask the Dentist : Possible.

Pwede ba Kumanta ang May Pustiso

Maimai : Doc, pwede po ba kumanta kahit may pustiso na ako?

Ask the Dentist : Pwede. Dapat maganda ang pagkakagawa ng pustiso mo para makakanta ka.

Pwede ba ibabad sa Chlorox ang Pustiso

Cresencia : Doki, pwede ba ibabad ang pustiso sa chlorox?

Ask the Dentist : Hindi dapat.

Libreng Braces sa Manila

Martha  : Doc, saan po kaya may libreng braces?

Ask the Dentist : Wala Martha. Maliban na lang kung BF, nanay or tatay mo ay dentist at ibibraces ka. :)

Ang gamit ng malabong x ray

Eris : hi again! pls pls answer!

Doc, eto po cephalometric xray ko. ok lang po ba na walang iextract na ngipin bago magbrace or mas maganda po kung mageextract? main problem ko po talaga yung protrusion pero straight naman teeth ko.. Thank you in advance!


Ask the Dentist  : Malabo ang xray.


Ask the Dentist : Kung may digital  copy ka sa cd, isend mo.


Eris : Waley nga. Kabibigay ko lang kahapon sa ortho kahapon hindi pa nya nasasabi kung ano treatment plan nya pero nung una sabi niya sakin ay ibibilog nya yung arc ko kasi u shaped yung sakin. hindi pa daw kailangan ng extraction kasi 18 pa lang ako maiishape pa daw. Ok po ba yon? Thank you po sa pagsagot


Ask the Dentist : Mahirap sagutin . Hindi ko maaninag.

Pwede ba magpa-adjust ng braces ang Buntis

Alyzza : hi mag aask lang po. pwede po ba mag pa adjust ng braces ang buntis ? is it safe sa baby??


Ask the Dentist : Follow your own dentist advice.

Gusto magpabunot ng Pangil

Loiskies : May alam ba kayo ba dentist na mas gagawa na bunutin tlga to. Kasi dito samin ayaw bunutin e


Ask the Dentist : Hindi yan dapat binubunot. Braces ang kailangan diyan



Pwede bang sabay ang linis at bunot ng ngipin

Akimino : Dear Doc,
 Maari ko po bang maitanong kung magkano po ang aabuting presyo ng pagpapalinis ng ngipin? At pwede po ba sya isabay kapag nag pabunot ng ngipin? Maraming salamat po doc.


Ask the Dentist : Magkasunod pwede.

DIY Braces

Kat : Hi Doc! I just wanna know kung ano pong masasabi niyo sa mga ganitong klaseng brace. Kung safe po ba ito o hindi. Anything. Thank you!
[Website about DIY braces]


Ask the Dentist : Syempre hindi. Kasi napakadaming taon pinagaaralan yan, bago matuto sa ortho. Hindi matuto ang isang tao ng tama kung hindi siya magaaral ng dentistry. Ako, naman tuwang tuwa, kasi sigurado ako sa dentist din mapupunta ang pasyente oras na malagas ang ngipin niya dahil diyan.


Kat : Hahahahaha! Salamat po uli sa pagsagot. Nawa'y dumami pa po pasyente niyo. :))

Gusto niya ng Pustiso para Makamura

Mary : Good afternoon po doc.

May cavity po kasi sa maxillary central incisors ko po. Matagal na po yung cavity Grade 3 palang po ako. Pinastahan po siya nung 2 nd year hs po ako kaso ung isang tooth lang po kasi malalim na daw po yung kabila. (Incoming freshman)Then last last week po namaga yung tooth ko po na pinanastahan. Nung pumunta po ako sa dentist nagtaka po siya kasi di po masakit yung malalim na yung cavity tas sabi mag pa rct daw po ako. Kaso di po namin kaya.

Ok lang po ba ipaextract nalang ito at lagyan ng dentures? Anong klaseng dentures po ba yung maganda at di masyadong hassle? Saka ok lang po ba kung orthodontist yung gagawa?

May balak din po kasi ako mag pa metal braces kasi may mga gaps po yung teeth ko sa lower jaw. Pwede pa po ba yun kahit may dentures na po ako?

Sorry po mahaba at maraming po akong tanong and thank you din po


Ask the Dentist : Kung kaya mo magpabraces, mas kaya mo magpaRCT. MagpaRCT at crown ka na lang. http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/ . Kapag nabungi ka, iba na ang ngiti mo, pigil. AT tiyak na papangit ka.

Mahihirapan ang dentist mong ibraces ka. Pero possible. Hindi ka magdedenture habang may braces.


Mary : good evening doc

yung tungkol po sa pag papabrace. pag nakapag trabaho na po ako saka po ako mag papabrace.

kanina po pumunta po kami sa dentist sa may pedro gil. desidido na po talaga si mama na ipabunot at i denture pero di po pumayag yung dentist. di daw po niya kaya na maging dahilan ng pag pangit ko po. pinastahan nalang po niya yung isang tooth kasi buhay pa daw iyon at yung isa nman ay kailangan daw i RCT.

papangit po ba ako pag nag karoon ng partial dentures ? pinupush pa rin po kasi ni mama ee.

mura na po ba pag ang siningil samin ay 1000 ? nag pa pasta po ako 2 at 2 ding bunot.

thanks po sa pag sagot ng mga tanong ko


Ask the Dentist : Good. Ganun din magiging reaction ko sa kaso mo. IpaRCT mo na lang. Tapos crown. http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/ . Papangit ka sa pustiso.


Mary : Thank you po doc sa pag sagot ng mga tanong ko at sa mga suggestion po.

Candy sa Bagong Pustiso

Luzviminda : Pwede po ba ang candy sa bagong nagsusuot ng pustiso?

Ask the Dentist : Oo. Pwede.

Cheapest Porcelain Jacket Crown

Abegail : Good pm po... gling po ako ng dental clinic.. ppapasta ko po sna ung upper teeth ko. Ung inbetween po kc ng pnkahrap na ngipin ko my cra na po.. kso po d n dw po solution ang pasta... kya nrecommend nya po ung porcelain crown 2500 / tooth and plastic jacket  1500 po.. sungki dn po kc ung ngipin ko tbi po nun pde rn dw ipa crown pra maalign.. kso nung nag research po ako prng bgla ndi ako naconvince.. ano po pde gwin po tnx po..


Ask the Dentist : Ang dapat mong gawin ay maghanap ng ibang clinic, dahil masyadong mura yang singil niya. Usually yung ganyan kamura ay kaduda duda. Dapat ipa xray mo muna yan bago ipacrown para masigurong wala pang infection. Ang plastic crown ay pangtemporary lang. Dapat porcelain ang ipagawa mo. Madaming klase ng porcelain:    http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/


Abegail : ah gnun po ba doc. cge slamat po

Hindi pa TUmutubo ang Ngipin na Kapalit

Grace : Doc ask ko lng po bakit ang tagal tumubo ng ngipin ng anak ko sa upper front teeth nun january pa po natanggal ung ipin nya..m ng woworry n po ksu ako almost 6months na...8 yrs old n po sya


Grace : Tnx


Ask the Dentist : Kung secondary set na ng ngipin ang nabunot, wala nang kapalit.


Grace : 1st teeth nya po


Ask the Dentist : Kung sigurado ka, maghintay ka lang. KUng hindi ka sigurado, ipaxray mo kung nandiyan nga yung susunod na ngipin.