Magkano ang pustiso para sa 3 ngipin


Mariz : Good evening. How much po magpagawa ng pustiso 3 ngipin sa harap sa taas. ?


Ask the Dentist : Send photo ng bungi.


Mariz : Where po ba yung clinic nyo?


Ask the Dentist :  http://dentistquezoncity.com/

Bakit Kailangan ng crown sa RCT

Quality : Hi doc nagpapasta ako ng dalawang ngipin sa harap, after two years nasakit po yung napastahan sa kanan, pag nainom ako kahit malamig o mainiT or room temperature liquid lang, nasakit sya mabuti, kanang pisngi ko nasakit ng sobra. Pero ilang minuto lang nawawala din agad. Ano po bang mairerecommend nyong gawin dito? (Bukod po sa pagpunta sa dentist  )


Quality : Thanks!


Ask the Dentist : RCT tapos crown. http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

Ask the Dentist : Or bisita ka sa clinic: http://dentistquezoncity.com/


Quality : Thanks doc!


Quality : Bakit po kelangan pa lagyan ng crown? Para san po ba un? Magkano din po kaya aabutin pag nagpalagay pa ng crown?

Ask the Dentist : Dahil malaki na yung pasta mo. Kapag ina-RCT at pasta ulit, hindi na sapat ang pasta para maseal yan mabuti.

Sinong dentist ang susundin

Kevin : Doc nalilito na ako about sa ngipin ko. Sabi ng isang desntist for root canal na. Sabi nmn noong isa kaya lang ng pasta. Ngayon nangingilo n ung ngipin madaanan lng ng malamig ng tubig/pagkain. D ko na din makagat. Sino po sa knla ung susundin ko.


Ask the Dentist : Makikita sa xray kung ano ang dapat gawin. http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

Kevin : Un n nga po eh. Na xray n ko ilang beses. Tapos magkaiba opinion noong doctor


Ask the Dentist : Send x ray. Kapag sumakit na, RCT na yan.


Kevin : Sge later

Pwede ba Magbraces ang may Pustiso na

Neice : Hello po. Ask ko lang po kung pwedeng magpa brace ang may denture?


Ask the Dentist : Hindi mo isusuot ang denture. Iba ang ilalagay.


Neice : Ahh panu po yun ikakabit? Parang isasabay po sya sa brace ganun?


Ask the Dentist : Yes.


Ask the Dentist : YUng dentist mo ang nakakaalam. Syempre hanap ka ng orthodontist. Hindi yung cheapest ang hahanapin mo, yung totoong orthodntist.


Neice : Ah ok po. Salamat po.


Neice : Hello po ask ko Lang po ulit Kung Ano po ang magandang brace ceramic, metal o Iba pa? Thank you po. God bless..


Ask the Dentist : YUng magandang braces ay yung makakaayos sa ngipin mo.


Neice : Hmm Ano po pinagkaiba Iba ng mga yun?


Ask the Dentist : Kaya ang hanapin mo yung magaling na dentist. Hindi yung kung ceramic ba or metal.

Neice : Thanks po ulit


Neice : Ahh. Sila na po ba ang magdedecide Kung ceramic or metal ang Mas maganda sa teeth mo


Ask the Dentist : Ikaw. Kasi sa mahal ng ceramic braces, malamang metal ang piliin mo. Kaya tiyak ako na ikaw ang mamimili.


Neice : Ahh. Ganun po ba?


Neice : Sige po.


Neice : Mahal po ang ceramic? Pero maganda rin nman po ba Yung metalc


Ask the Dentist : Hindi mahal. Kaya ko sinabing mahal kasi hindi mahal.

Bukol sa Gilagid or Gilagid sa Bukol?

Aldrin : ask ko lang ano gagawawin pag namamaga ung gums


Ask the Dentist : Send photo. Depende sa dahilan ng pamamaga kung ano ang gagawin. Pero kadalasan, ang pamamaga ay dahil sa kada isang dekadang pagpapalinis ng ngipin sa dentist. http://www.denturesaffordable.com/who-can-suffer-from-gum-disease/
http://www.denturesaffordable.com/gum-disease/



Aldrin : ngayon umiinom ako ng anti bacteria pati anti inflammation



Aldrin : parang my nana


Ask the Dentist : Parang kanser. Pacheck ka sa PGH.

Malalim ba ang Pangil

Erwannie : hi po gud afternoon ask ko lng po kung malim po ba ang pangil ng ipin... at napaplagyan pa po ba ung isang ipin na bunot na...


Ask the Dentist : Malabo ang tanong mo. Ano yun? Describe.


Erwannie : itatanung ko po sana kc po ung friend ko po e magpapabunot ng pangil malalim po ba un pag binunot tska po sungki po ibaba ng ipin nya ano po kya mainam para dun tapos po ung isa nya rin pong ipin sa bagang e napabunot na po nya napaplagyan parin po ba ng isa pang ipin un...


Ask the Dentist : Oo.

Good Dentist

Rodrigo : Gusto kong ipaayos sana ngipin ko... can you suggest me a good dentist.. Thanks


Ask the Dentist : http://www.dentistphilippines.info/
Quezon City Dentist - The #1 dental clinic in Quezon City Metro Manila Philippines.
Are you ready for Modern Dentistry? Cause we sure are! 6972201/09279848895 for Dental Implant inquiry. To know more about us, book an appointment today!

Magkano ang molar tooth extraction

Pamela : mga magkano po ang molar tooth extraction.?


Ask the Dentist : Kung odontectomy (3rd molar), 5K pataas.


Pamela : 2nd from canine tooth po.?


Pamela  : ito po yung tooth position 5k up din po?



Ask the Dentist : Send x ray.

Pwede ba magpabunot kahit sumasakit

Gabriela : Pwede p b magpabunot ng bagang khit sumasakit ?


Ask the Dentist : Depende. Magdidecide ang dentist oras na makita niya. Bisita ka sa clinic: http://dentistquezoncity.com/

Pwede ba Ipasta

Karen : Hi good afternoon po doc,
I just want to know lang po if pwede ko pa ba ipa'pasta ung teeth ko. I got pasta in front og my teeth 5 months ago, unfortunately nasira agad then nangitim sya and the worst natanggal na yung pasta mukha tuloy akong bungi kasi between sya ng two teeth pwede pa ba ipapasta ulit? Wala kasi ako time because of my work medyo malaki kasi ung natanggal.

thanks in advance.


Ask the Dentist : Pwede. Hanggat hin mas malaki yung pasta sa ngipin. Pero kung mas malaki ang pasta kaysa sa ngipin, ipajackect crwon mo : http://costdentures.com/fixed/ips-e-max-restoration/

Dental Bridge ng Sparta

Mot Mot : doct. ask ko po kung anu pa po ba ang pwede gawin sa hiwahiwalay na ipin pero kumpleto naman po paanu ito mapag didikit dikit brace lang po ba ang pwede? wala po bang retainer para mag dikit dikit ito?

salamat doct.
Bungi ni Motmot


Ask the Dentist : Walang inaayos ang retainer.


Mot Mot : ahh so brace lang po pla tlga ang paraan para mag dikit dikit ang mga ipin ko?


Ask the Dentist : Kung sobrang dami ng bungi, wag na braces ang targetin mo, bridge na lang or implants. http://costofdentalimplant.com/dental-implant/


Mot Mot : Doct. Pag wala pong bungi? Maganda naman po ipin ko sa baba hiwahiwalay ngalang cla may spacing na kasya ang tali ng nylon ganun po


Mot Mot : Tnx doct


Mot Mot : Brace po ba ang need  ko pag ganun?


Ask the Dentist : Send photo.

Mot Mot : yan po doct sa baba lang po sana ang ipapa brace ko kasi ung taas po naka fix bridge na po un e


Ask the Dentist : Tignan ko yung fixed bridge.


Mot Mot: doct pina tangal ko po ung gitna kasi po nabasag e


Mot Mot : nag pasukat nalang po ako ng pustiso haha


Mot Mot : sa pangil ko po naka poste yan


Mot Mot : yan po ung pinutol sa gitna na porcelane hahaha


Ask the Dentist : ANg targetin mo, bridge, kaysa braces. Kasi yang lower mo, madalang naman makita yan. Eh yang ngipin mo sa taas, kitang kita yan. Unless spartan ka.


Mot Mot : hahahaha spartan XD
 kasi doct. di ko pa


Mot Mot : kaya icash ang 27 k para sa 8units na fix bridge ulit haha kaya po nag pagawa muna ako ng pang samantalang pustiso na porcelain din hehe


Mot Mot : tnx doct


Ask the Dentist : Palinis ka din ng ngipin. Hindi oks ang itsura ng gilagid mo.


Mot Mot : ganun po ba cge po


Mot Mot : doct kapag po wala namang sira sa ngipin tapos po minsan mejo di maganda amoy ng hininga ko anu po kaya dapat gawin d2? san ko po ito pwede ipa check?


Ask the Dentist : Yang gilagid mo. Pero kung gusto mo macheck bisita ka lang sa clinic: http://dentistquezoncity.com/

Plastic Bridge

Ruth : Hi po. Galing ako sa website niyo. Ask ko lng how much per tooth yung fixed partial dentures na made of plastic. Thanks.


Ask the Dentist : Pangtemporary lang ang plastic.


Ask the Dentist : porcelain ang ipagawa mo. http://www.denturesaffordable.com/zirconia-fixed-dental-bridge/


Ruth : Really? Sabi ng dentist ko may porcelain and plastic. Kaso mejo pricey sa kanya kaya im looking for a cheaper one.


Ruth : So how much yung sa inyo?


Ask the Dentist : Pwede mo sabihin sa kanya na nabsa mo somewhere na pangtemporary lang ang plastic.Kung tunay na dentist yan, aaminin niya sayo na pangtemporary ang plastic.


Ruth : I see. Will do. So how much yung price ng porcelain sa inyo?


Ask the Dentist : Madaming klase ng porcelain bridge: http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/

Ask the Dentist : Ang porcelain fused to metal 5K pataas per unit. Ang all porcelain 20K pataas per unit.


Ask the Dentist : Kunyari sa isang bungi, 3 units yan. Isa ang bungi, dalawa ang kakapitan. Kaya sa isang bungi 15K pataas ang presyo ng porcelain fused to metal bridge.


Ruth : Thanks po. ^^


Ask the Dentist : Oks.

Gusto ng Pangil dahil sa Twilight

Shevonne : ask ko lang po kung pwedeng magpasadya ng pangil sa ngipin?? thankyou


Ask the Dentist : Pwede.


Shevonne  : mga magkano po yun??


Ask the Dentist : De-tanggal ba?


Shevonne : hindi po


Ask the Dentist : Pwede ka magpaveneer: http://www.denturesaffordable.com/affordable-ceramic-veneers/

Nangingitim na pasta at hiwalay na ngipin

Vanessa : Hi doc, anu kayang magandang gawin sa upper front teeth ko? My gap po kc between my two middle upper front teeth. Then ung dlawa ko nmang teeth na katabi ng two middle upper front teeth n my gap my bulok po sya, gusto ko po sana mawala ung bulok kc sa personal halata po sya actually pinapasta kona sya dati kaso halata parin, and maganda mwala po ung gap sa gitna, yw q nmn po mgpabrace kc lalo lalaki nguso q, God bless po doc



Ask the Dentist : IPapasta mo lang ulit. Every 3-5 years, talagang pinapalitan ang pasta. Tapos ipabraces mo.


Vanessa : Ah thanks po God bless :))

Alternative sa Denture

Krisa : doc good am po . ask ko lng po sana kung may iba pang alternative to have natural look like teeth (yung hindi halata) . may false teeth n po ksi ako in front  . thankyou


Ask the Dentist : Dental implants : http://costofdentalimplant.com/dental-implant-cost/ or bridge : http://www.denturesaffordable.com/zirconia-fixed-dental-bridge/


Krisa : gumagwa po ba kyo nun? san po clinic nio doc?


Ask the Dentist : http://dentistquezoncity.com/

Pwede ba magparetainer na walang Gums

Patty : hello po ask ko lang po pwede po kung pwede yung retainer na walang gums?

Ask the Dentist : Wait. Nagpabraces ka ba?

Ask the Dentist : Ang Retainer, walang gums sa harap.

Patty : hindi po ako nagpa-braces, eh. retainer lang po

Patty : pero pwede po yun yung walang gums ang retainer?

Ask the Dentist : Masisira lang ngipin mo.

Kailangan ba Ipabraces

Pauline : Hello po. Pano po pag di nag ooverlap yung upper teeth mo sa lower? Kelangan po ba yun ipabraces?


Ask the Dentist : Kung gusto mo umayos ang ngipin mo, magpabraces ka. Hindi yan nakadepende sa nakaoverlap ba o hindi.

Pwede ba mag-retainer

Princess : Pwede ho ba yun na mag pa retainer just for fashion lang??? Pero medyo hiwalay ng konti yung dalawang ngipin ko sa harapan dun po sa itaas


Ask the Dentist : Walang inaayos ang retainer.


Princess : Pero pwede naman po ba mag palagay???


Ask the Dentist : Hindi. Masisira lang ngipin mo.


Princess : Ok thnxxss po

Jacket Crown Cost

Aeynah : Doc how much po magpajacket ng ipin? Natanggal po ung dating jacket mg ipin ko tas nawala ung jacket.. I need po to replace it po..


Ask the Dentist : Depende sa klase ng jacket. http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/
porcelain fused to metal jacket crown = 5K pataas.
all porcelain : 20K pataas.
porcelain fused to gold alloy : 30 K pataas.

Kung mas mababa ang presyo diyan, usually, hindi mukhang ngipin kasi mababa ang quality.

Braces ba Agad

Princess : hello po. nagpaplano pa po ako magpa.braces. kasi yung dalawang upper teeth ko magkahiwalay simula po pagkabata ngayon e 19 na ko. tapos sa baba naman may dalawa din na magkahiwalay. braces po ba agad ang solusyon don?


Ask the Dentist : Oo braces agad. Sa dentist.

RCT at Braces

Charie : Good evening po Doc.
Nagpa-panoramic x-ray na po ako. Eto po yung result. Explain ko lang po yung history ng ipin ko (base sa mga naaalala ko pa). Nung bata po kasi ako, medyo malalaki po kasi yung ipin ko, nagpatong patong sila...matindi ang sungki ko nun.

Dinala po ako ng magulang ko sa dentist malapit samin...dahil hindi namin afford ang braces, ang ginawa po ng dentist, may binunot sya na ipin ko na permanent na yata.di ko po sure kung lateral incisor yun o canine cuspid..nakabara po kasi sya dun sa right na central incisor ko. Ngayon, dahil dun sa binunot na yun yung mga ipin ko nag move sila papunta sa left kaya wala po sa gitna ang ipin ko.

Tapos po, meron na po ako 2 molars sa taas na binunot na...kasi hindi na daw po yun kaya ma-save dahil sa cavities at nagkabasag basag na yung ipin.

Meron po ako nilagyan ng bilog na kulay yellow dun sa picture...nakikita ko po sya sa gums ko pero hindi ko po alam kung ipin yun...sabi naman po ng dentist ko ngayon, kumpleto na daw po ipin ko, sinabihan nya rin po ako na magpa-xray para makita kung ano ba yun. Para kasi syang pangil eh...naka-usli lang sya sa gums, pag diniinan yung gums kung nasaan sya makikita na kulay white pero hindi sya lumalabas. Matagal na po yan at hindi ko rin alam ang gagawin dyan. Minsan din  po nag dedevelop ng parang kamatis dun sa kung nasaan yun tapos magkakaron ng pus. Tapos mawawala din.

Yung sinasabi ko naman po na hindi ko alam kung patay na o hindi...yun po yung katabi ng right central incisor ko. Yun po yung may yellowish na discoloration compared sa ibang ipin ko.  Tapos po yung molar ko po na nagkakaroon ng pus sa gilid yun po yung pinaka-dulo na moral sa lower left side.

Doc, sana matulungan nyo po ako. Kasi may healthcard ako, yung mga dentist kasi na accredited sa healthcard ko sa area namin hindi sila ganoon ka-accommodating.  Gusto nila kasi weekday ako magpunta eh hindi kasi ako available ng weekend dahil wala ako mapag-iiwanan ng baby ko.  Yung dentist ko po kasi ngayon, hindi sya accredited ng healthcard. So gusto ko lang din sana mapaghandaan kung ano ang mga procedure na kailangan gawin sa ipin ko (budget and time wise).

Isa pa pala doc, pahabol...minsan kasi nagigising ako feeling ko lahat ng ipin ko masakit o umuuga. Pwede ba na effect yun ng pag bbreastfeed ko? Kasi 2 y.o. na yung anak ko hanggang ngayon nag bbreastfeed parin sya sakin.

Pasensya na doc ha ang dami kong tanong. Sana po matulungan nyo po ako. Ang dami problema ng ipin ko. Hindi kasi naalagaan.  Nakakalungkot.

Salamat sa time sa pag basa ng case ko. Kung meron din po sana kayo marerefer na dentist sa Mandaluyong or Makati area. Maraming maraming salamat Doc.



Ask the Dentist : Isa lang ang tanong mo. Walang connection ang breast feeding sa paguga ng ngipin mo.


Charie : Ay, akala ko sa FB page hindi na applicable ang question mark. Sorry po. Yung tanong ko po eto..
1) Patay na po ba yung ipin na katabi ng right central incisor? Patay na po ba yung molar ko sa lower left side?
2) Ipin po ba yung nilagyan ko ng bilog na yellow?

Thanks!


Ask the Dentist : Madaming tulad mo, haba ng kuwento, nalimutan naman magtanong.    


Charie : Sorry!


Ask the Dentist : 1. IpaRCT mo yan. IpaRCT mo din yung molar.
2. Oo. Pwede pa yun palabasin sa braces. YUn nga lang, magagaling lang na dentist ang kaya palabasin yan.


Charie : Doc inooperahan po ba yun? Hinihiwa yung gums para palabasin?


Ask the Dentist : Oo, maghihiwa. Lalagyan ng bracket.


Charie : Maraming salamat po Doc.  Pasensya na gabi na ako nakapag tanong.


Charie : Natutuwa po ako basahin yung website nyo. Hehehe. Sana po marami pa kayo matulungan kahit sa consultation lang.  God bless.


Charie : Doc sorry last question...kung sakali kasi na hindi ko afford ang braces. Ok lang po ba na pabayaan ko nalang dun yung ipin sa loob ng gums? Di po ba masama yun?


Ask the Dentist : Pwede. Basta wag sumakit o magkaroon ng infection, okie lang yan.


Charie : Thanks po!

Magkano ang Removable na Pustiso

Meril : doc, magkano po ba ung removable na pustiso? 3 ngipin po sa taas , idea lang po sana . thanks


Ask the Dentist : Madaming klase ng pustiso. Magkakatabi ba? Usually sa pustiso, ang pinakaminam ay ang may metal framework na klase. http://costdentures.com/removable/one-piece-casting-removable-partial-denture/


Meril : ung dlawa po sa unahan na ngipin at ung pang 4 na ngipin sa harap kanan po


Meril : ang buget q po kc 1500 sa tatlong ngipin


Ask the Dentist : Mahihirapan ka makahanap. Pero try mo. Sa dental school, try mo din.


Meril : pero magkano po yung tnutukoy nyo na metal framework doc ?


Ask the Dentist : 7 k pataas.

Jacket sa Ngipin

Cristifel : Hi doc good evening po. Ask ko lang po kung anung magandang gawin sa ngipin ko po sa baba may pasta po yan 2 yrs ago. Pero hindi na din ok yung pasta iniisip ko po ipa jacket kaso magkano po kaya sya? Salamat po.



Ask the Dentist : Ipapasta mo lang ulit.


Cristifel : Sni po kasi ng dentist  baka maging manipis na yung teeth kasi po yung isa dyan kabilaan ang sira


Ask the Dentist : Kung mas malaki ang pasta kaysa sa mismng ngipin, jacket crown na: http://www.denturesguide.com/lava-all-zirconia/
http://costdentures.com/ask-the-dentist/why-is-crown-needed/

Umuugang Ngipin na na-RCT

Aiah : doc pede magtanong?


Aiah : ung pina root canal ko po na ngipin umuuga po sya kai habang nag totoothbrush ako biglang natamaan.. mejo masakit po pag nagagalaw, ano po bang remedy sa ganito?


Ask the Dentist : Hanap ka ng periodontist. Baka sakaling masave pa.


Ask the Dentist : Malamang na gum disease yan. http://www.denturesaffordable.com/gum-disease/


Aiah : Umuuga n po ung ngipin ko.. anu po periodontist?


Aiah : Kpag pina fixedbridge ko po b to mga gano po katagal


Ask the Dentist : Okie hanap ka ng periodontist. Peridontist ang specialist sa ganyang kaso.


Ask the Dentist : Kapag nakahanap ka ng magaling na dentist, ang bridge ay tatagal ng 5 years and above.


Aiah : May mairerefer po ba kaung periodontist?


Aiah : Mga ilang araw po ba bago mgawa ung bridge?


Ask the Dentist : Ang bridge ay para sa bungi. Since may ngipin ka pa, hindi yan ibbridge.


Aiah : Bka po kasi tanggalin na ung ngipin na naroot canal.. umuuga na po kasi


Aiah : Kaya po natanong ko ung sa bridge


Ask the Dentist : Oks.


Aiah : Ganu po ba katagal gawin ung bridge?


Ask the Dentist : 5 days to 2 weeks.

RCT Cost

Ronald : Dok, magkano po ba magpa RCT ung ngipin sa harap.
 reply back pls.


Ronald : Ibig ko pong sabihin sa "Ngipin sa harap" ay Premolar. Magkano po ba magpa RCT bawat canal?


Ask the Dentist : 10K  pataas.


Ronald : Nge, kala ko po 3k up lang po kada canal?


Ask the Dentist : 2-3 canals yang premolar.


Ronald : ah. so 3k up lang po kada canal?


Ask the Dentist : 3-5K


Ronald : Ah. masakit po b?


Ronald : May nagsasabi po sken na talaga daw pong msakit un.


Ask the Dentist : Kung naghanap ka ng cheapest, masakit talaga.


Ronald : ah. maganda na po ang kinalalabasan ng RCT sa ngipin matapos gawin ito kahit walang crown?


Ask the Dentist : Dapat may crown lagi dahil kung hindi natakpan ang inarCT, sasakit yan ulit dahil magkakaroon ulit ng infection.


Ask the Dentist : Parang naglinis ka ng garapon, kung hindi mo tinakpan mabuti matapos mo linisin, madudumihan yan ulit.

Ilang Taon ang Tinatagal ng Jacket Crown

Frelljoy : Doc jacket po ba porcelin ilang years po tumatagal?


Ask the Dentist : Kung hindi ka naghanap ng cheapest, minimum of 5 years. Madaming klase ng porcelain: http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/


Frelljoy : Last question po doc, sa pustiso po ano maganda us plastic or porcelin? Thank you doc


Ask the Dentist : Depende sa standard ng kagandahan. Maganda sa buto, maganda sa quality o maganda tignan. Madalang ka makakita ng made in US na plastic sa Pinas, marketing lang ang katawagang US plastic. Overall, ang kagandahan ay binabayaran, kaya mas mahal, mas maganda.

Murang Pustiso sa Manila

Em-em : iyan po ang ipin ko. upud na upud na po yung sa taas sa loob po. surgery na po ba gagawin dun kung sakali? gustong gusto ko na ipaalis lahat ng ipin ko sa taas kaso natatakot ako sa gagawing proseso. tyaka sa presyo.
sana po mapareplyan nyo ako. ill be waiting po.thank you.
Murang Pustiso sa Manila
Murang Pustiso sa Manila



Em-em : sa ngayun po ilang araw na  namamaga yung gums sa right side po. kaya po lalo ako natatakot kasi ilang araw na din po namamaga at ilang araw nadin ako umiinom amoxcilin at mefenamic pero maga pa din po.


Ask the Dentist : Punta ka na sa dentist. Madaming dapat bunutin at dapat gawin diyan. Pustiso na yan after or pwede ka din magpaimplant:
http://costofdentalimplant.com/dental-implants-cost/
http://costdentures.com/removable/equipoise-removable-partial-denture/


Em-em : hindi naman po kaya kailangan operahan? pangkaraniwang pagbunot lang po ba gagawin kaya?


Ask the Dentist : Possible.

Pwede ba Kumanta ang May Pustiso

Maimai : Doc, pwede po ba kumanta kahit may pustiso na ako?

Ask the Dentist : Pwede. Dapat maganda ang pagkakagawa ng pustiso mo para makakanta ka.

Pwede ba ibabad sa Chlorox ang Pustiso

Cresencia : Doki, pwede ba ibabad ang pustiso sa chlorox?

Ask the Dentist : Hindi dapat.

Libreng Braces sa Manila

Martha  : Doc, saan po kaya may libreng braces?

Ask the Dentist : Wala Martha. Maliban na lang kung BF, nanay or tatay mo ay dentist at ibibraces ka. :)

Ang gamit ng malabong x ray

Eris : hi again! pls pls answer!

Doc, eto po cephalometric xray ko. ok lang po ba na walang iextract na ngipin bago magbrace or mas maganda po kung mageextract? main problem ko po talaga yung protrusion pero straight naman teeth ko.. Thank you in advance!


Ask the Dentist  : Malabo ang xray.


Ask the Dentist : Kung may digital  copy ka sa cd, isend mo.


Eris : Waley nga. Kabibigay ko lang kahapon sa ortho kahapon hindi pa nya nasasabi kung ano treatment plan nya pero nung una sabi niya sakin ay ibibilog nya yung arc ko kasi u shaped yung sakin. hindi pa daw kailangan ng extraction kasi 18 pa lang ako maiishape pa daw. Ok po ba yon? Thank you po sa pagsagot


Ask the Dentist : Mahirap sagutin . Hindi ko maaninag.

Pwede ba magpa-adjust ng braces ang Buntis

Alyzza : hi mag aask lang po. pwede po ba mag pa adjust ng braces ang buntis ? is it safe sa baby??


Ask the Dentist : Follow your own dentist advice.

Gusto magpabunot ng Pangil

Loiskies : May alam ba kayo ba dentist na mas gagawa na bunutin tlga to. Kasi dito samin ayaw bunutin e


Ask the Dentist : Hindi yan dapat binubunot. Braces ang kailangan diyan



Pwede bang sabay ang linis at bunot ng ngipin

Akimino : Dear Doc,
 Maari ko po bang maitanong kung magkano po ang aabuting presyo ng pagpapalinis ng ngipin? At pwede po ba sya isabay kapag nag pabunot ng ngipin? Maraming salamat po doc.


Ask the Dentist : Magkasunod pwede.

DIY Braces

Kat : Hi Doc! I just wanna know kung ano pong masasabi niyo sa mga ganitong klaseng brace. Kung safe po ba ito o hindi. Anything. Thank you!
[Website about DIY braces]


Ask the Dentist : Syempre hindi. Kasi napakadaming taon pinagaaralan yan, bago matuto sa ortho. Hindi matuto ang isang tao ng tama kung hindi siya magaaral ng dentistry. Ako, naman tuwang tuwa, kasi sigurado ako sa dentist din mapupunta ang pasyente oras na malagas ang ngipin niya dahil diyan.


Kat : Hahahahaha! Salamat po uli sa pagsagot. Nawa'y dumami pa po pasyente niyo. :))

Gusto niya ng Pustiso para Makamura

Mary : Good afternoon po doc.

May cavity po kasi sa maxillary central incisors ko po. Matagal na po yung cavity Grade 3 palang po ako. Pinastahan po siya nung 2 nd year hs po ako kaso ung isang tooth lang po kasi malalim na daw po yung kabila. (Incoming freshman)Then last last week po namaga yung tooth ko po na pinanastahan. Nung pumunta po ako sa dentist nagtaka po siya kasi di po masakit yung malalim na yung cavity tas sabi mag pa rct daw po ako. Kaso di po namin kaya.

Ok lang po ba ipaextract nalang ito at lagyan ng dentures? Anong klaseng dentures po ba yung maganda at di masyadong hassle? Saka ok lang po ba kung orthodontist yung gagawa?

May balak din po kasi ako mag pa metal braces kasi may mga gaps po yung teeth ko sa lower jaw. Pwede pa po ba yun kahit may dentures na po ako?

Sorry po mahaba at maraming po akong tanong and thank you din po


Ask the Dentist : Kung kaya mo magpabraces, mas kaya mo magpaRCT. MagpaRCT at crown ka na lang. http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/ . Kapag nabungi ka, iba na ang ngiti mo, pigil. AT tiyak na papangit ka.

Mahihirapan ang dentist mong ibraces ka. Pero possible. Hindi ka magdedenture habang may braces.


Mary : good evening doc

yung tungkol po sa pag papabrace. pag nakapag trabaho na po ako saka po ako mag papabrace.

kanina po pumunta po kami sa dentist sa may pedro gil. desidido na po talaga si mama na ipabunot at i denture pero di po pumayag yung dentist. di daw po niya kaya na maging dahilan ng pag pangit ko po. pinastahan nalang po niya yung isang tooth kasi buhay pa daw iyon at yung isa nman ay kailangan daw i RCT.

papangit po ba ako pag nag karoon ng partial dentures ? pinupush pa rin po kasi ni mama ee.

mura na po ba pag ang siningil samin ay 1000 ? nag pa pasta po ako 2 at 2 ding bunot.

thanks po sa pag sagot ng mga tanong ko


Ask the Dentist : Good. Ganun din magiging reaction ko sa kaso mo. IpaRCT mo na lang. Tapos crown. http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/ . Papangit ka sa pustiso.


Mary : Thank you po doc sa pag sagot ng mga tanong ko at sa mga suggestion po.

Candy sa Bagong Pustiso

Luzviminda : Pwede po ba ang candy sa bagong nagsusuot ng pustiso?

Ask the Dentist : Oo. Pwede.

Cheapest Porcelain Jacket Crown

Abegail : Good pm po... gling po ako ng dental clinic.. ppapasta ko po sna ung upper teeth ko. Ung inbetween po kc ng pnkahrap na ngipin ko my cra na po.. kso po d n dw po solution ang pasta... kya nrecommend nya po ung porcelain crown 2500 / tooth and plastic jacket  1500 po.. sungki dn po kc ung ngipin ko tbi po nun pde rn dw ipa crown pra maalign.. kso nung nag research po ako prng bgla ndi ako naconvince.. ano po pde gwin po tnx po..


Ask the Dentist : Ang dapat mong gawin ay maghanap ng ibang clinic, dahil masyadong mura yang singil niya. Usually yung ganyan kamura ay kaduda duda. Dapat ipa xray mo muna yan bago ipacrown para masigurong wala pang infection. Ang plastic crown ay pangtemporary lang. Dapat porcelain ang ipagawa mo. Madaming klase ng porcelain:    http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/


Abegail : ah gnun po ba doc. cge slamat po

Hindi pa TUmutubo ang Ngipin na Kapalit

Grace : Doc ask ko lng po bakit ang tagal tumubo ng ngipin ng anak ko sa upper front teeth nun january pa po natanggal ung ipin nya..m ng woworry n po ksu ako almost 6months na...8 yrs old n po sya


Grace : Tnx


Ask the Dentist : Kung secondary set na ng ngipin ang nabunot, wala nang kapalit.


Grace : 1st teeth nya po


Ask the Dentist : Kung sigurado ka, maghintay ka lang. KUng hindi ka sigurado, ipaxray mo kung nandiyan nga yung susunod na ngipin.

Sumakit ang Ngiping may Pasta

Cj : gud pm po, normal po bang medyo sumakit ang ipin after mapasta? kumain po kc ako after 2 hrs at medyo sumakit po ang napasta kong ipin. salamt po


Ask the Dentist : Depende. Kapag umabot na sa pulp ang sira bago ipapasta,malamang hindi na yan  kaya sa pasta. Kapag sumakit yan malamang RCT na ang kailangan: http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

Pwede ba magpabunot ng Pangil

Edlyn : Hi po doc,magtatanong lng po ako kung pwedi ba ipabunot ang canine teeth,hindi po cya masakit pero gusto q ipabunot,ang pangit po kc tignan sungki.okay lng po ba ipabunot?thanks po..


Ask the Dentist : Ipabraces mo na lang. Magmumukha kang matanda balang araw pag nawala yan.


Edlyn : Ofw po kc aq every two yrs lng uwi q ng pinas,at dko po afford mgpa brace d2 sa kuwait.saka po doble po yong ngipin q,bali yong canine tumubo sa taas front sa isang ngipin,balak q po ipabunot nlng.


Edlyn : Parang ganito po yong ngipin q pero taas na yong ngipin,isa lang sa right side.pwedi po ba ipabunot pag ganyang klase'ng tubo ng ngipin?

Ask the Dentist : Kung gusto mo ipabunot, ipabunot mo. Tapos pustiso: http://www.denturescostguide.com/


Edlyn : Hehe okay po..thanks doc.


Edlyn : Okay po doc salamat,yan nlng po gagawin ko ipabunot tapos ipa pustiso.salamat po ng marami.godbless!

May Bukol sa Gums

John : Doc tanong ko lng po kung bkt pagkatapos nung sobrang sakit ng 2nd molar ( may sira na nag crack at may butas ) ko sa bottom right for 2 to 4 days may namuong bukol sa right side gums  ilalim nung sirang molar ko. Tapos pag pinipisil ko masakit sya na prng nangingilo ngipin ko. Tapos namamaga din ung gums ko on the left or inner side under that teeth. Abcess po ba ito and ano ang possible treatment?


John : Hindi ko din po ma view kasi.prng nasa ilalim tlga sya nararamdaman ko nlng pag hinahawakan ko


Ask the Dentist : Pwede mo yan ipa-RCT+jacket crown: http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/
Or bunot.


John : Ok po salamat po. Papacheck ko nadin po sa dentist asap.

RCT at Jacket Crown

Rubz : hi po doc.. kakagaling q lng po ulit sa dentist .. tiningnan nya lng nmn ung ngipin q tapos cnabi nya na mag anti biotic dw muna aq .. amoxicilin dw ng 1 week .. my nakakapa kac ung dila q na 2 bilog sa gums na ibabang bhagi ng ngipin kong nangingilo bka dw nana na.. posible po kayang periodontal disease po ba ito?if ganun nga po anu po ba pwd kong gawin?wla po kac akong tiwala sa dentist na nag ayos ng ngipin q .. huhu kng pwd lng sna ibalik at ibang dentist nlg pinuntahan q.. pa advice nmn poh.. pra atleast my idea aq at msabi q din s knya.. thanks po ng marami.. mlking tulong po talga kayo..


Ask the Dentist : Patingin ng xray.


Ask the Dentist : Malamang na RCT at jacket crown ang dapat gawin sayo: http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/


Rubz : panu poh ba mgpa xray dok? picture lng ba un?san po ba dapat mgpa xray?thnk u po..


Ask the Dentist : Sa clinic. sabihin mo magpapaxray ka. Hindi yun picture. Pag picture yun, tatawagin yung picture.


Ask the Dentist : Ganito ang xray. http://iaskthedentist.com/root-canal-treatment-info/


Rubz : ai ganun poh ba.. haha  my bayad poh ba un?


Ask the Dentist : Oo, may bayad.


Rubz : magkano po?


Ask the Dentist : Tanong mo diyan.

Nagnana na ang Napastahang Ngipin

Jenalyn : good eve po,
ask q lng po kc un front teeth q s right side dati ng pnastahan,ngyon po ndi n mgnda ang kulay ng pasta.nung ngpnta nmn po aq s dentist pra papastahan po ule.,cnbi q pong sumakit n un my pasta...d n po b pde pastahan ule?kc ng chineck nya my nana n dw po..anu po kea mgndang gawin?pde p keang mrestore un ngipin q kc ayaw q nmn po ng pustiso..thanks po...


Ask the Dentist : RCT tapos pasta or jacket. Mahalagang maRCT yan para mawala ang pagnanana: http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/


Jenalyn : thank you po ng marami!

Jacket Crown sa Bungal

Joselita : Pwede ba magjacket crown ang walang ngipin?

Ask the Dentist : Ang jacket crown ay inilalagay sa ngipin o sa implant. Kung walang ngipin, walang ijajacket crown. Maliban na lang kung nagpa-dental implant ka, may lalagyan na ng jacket crown. Para sa karagdagang impormasyon basahin ito: http://costofdentalimplant.com/dental-implant-cost/

Gusto magpabraces

Mycena Jane : Hi doc gusto ko po sana mgpabraces kse ndii po pantay ung ibang teeth ko.. ano pong unang ggwen ko.?


Ask the Dentist : Magpapanoramic xray at cephalometric x ray ka ng malinaw.

Bakit madaling maalis ang brackets

Chiino : Sa palagay nyo po?? Bkt madaling maalis ang brackets ng braces ko... Ang gngamit po na pang dikit yung pinipihit tpos ma lacer na blue.. Kahit nag sasalita lng aq bigla nlng naalis..

Ask the Dentist : Sa dentist ka nagpabraces?


Chiino : ..opo pero tinatanong ko sya pero ndi nya masagot ng maayos..


Ask the Dentist : Habang may braces ka, talagang matatanggalan ka ng bracket dahil inaapply-an yan ng force para gumalaw at umayos mula sa pagkakasungki.

Chiino : Kht na 2 wiks plang po 6 na ang naalis


Chiino : At kahit nag sasalita lng naalis agad..


Ask the Dentist : Ilang buwan na yan?


Chiino : Mag 1 month plng po


Ask the Dentist : Habang kinikilos yan, natural lang na may matanggal.


Chiino : ..gnun po ba sbi nmn ng dentist ko. Bka dw ndi compatible ang cement sa ngipin ko


Ask the Dentist : Sa simula ng braces, mas madami ang matatanggal, makalipas ang  ilang adjustment, pakonti ng pakonti ang matatanggal.


Chiino : ...sna nga po...


Ask the Dentist : Ah, ganun ang sinagot niya kasi may problema sa lovelife yun.


Chiino : ...hahaha

RCT and Jacket Crown

Sarah : Hi Ask the Dentist Philippines!

Please pardon my unnecessary blah blahs.

I just want to ask for advice about my current dental situation (see belo for my pics haha). I am a new graduate and currently enjoying my first job. Since my pera na ako (haha), I plan to start my "self renovation" by fixing my teeth.Kaso po I dont know what kind of fixing my teeth requires. Im scared to go to dentists for consultation dahil baka may bayad ang check up (and I dont have money pa!haha). Nagresearch ako ng mga 'I think" pwede sakin, and parang ok naman po yung Jacket Crowns.kasi yung canine teeth/pangil ko is may plaque (di po ako sure kung ano tawag dun but based on my research plaque sya) at ayun po talaga ang gusto kong maayos kahit hindi muna ako magpabrace.ayoko naman din po ng pustiso.

So ito po yung questions ko talaga.
-What treatment yung pwede sa canine tooth/pangil ko na pangmatagalan at hindi pustiso.
-Is Jacket crown applicable for my canine teeth condition condidering na may plaque sya.
-magkano po ang estimated gastos?
-ano pa pong recommendation nyo na i undergo ko for my teeth renovation?

Thanks and have a nice day!




Sarah : excuse my pic.


Ask the Dentist : Masyadong malabo yang picture mo. Magsend ka ng malinaw. Pero base diyan sa kalabuan ng picasso painting na yan, kailangan mo magpaRCT tapos crown: http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/


Ask the Dentist : Sa ibang ngipin mo, malala na. Ang pinakamabuti mong gawin, magpalinis ng ngipin, magpapasta ng mga ngipin na pwede pa pastahan. Saka ka magpapanoramic x ray na malinaw. Tapos send mo ang x ray dito, para makita pa natin ang iba pang problem.


Sarah : Haha.I like yung picasso painting.Anyway, I'll follow your advise, kaso matatgalan ang follow up xrays dahil sa financial hindrance na dala ng pagiging simpleng mamayan.

Thank you for your abrupt response.
Have a nice day and God bless.

Denture Cost for 1 tooth

Girlie : Magkano po ang pustiso para sa isang ngipin?

Ask the Dentist : Mas mabuting ipa-fixed bridge mo or implant. Pero kung pustiso talaga ang option mo, iba' iba ang presyo. Madaming klase ng pustiso. Depende din sa nababagay sa kaso, mas mabuting pumunta ka sa clinic upang makita ng dentist at masabi sayo ang mga option mo.